Blog #3

Have you ever asked God a simple yet a very complicated question, “Why/Bakit”?
Minsan ba naitanong mo na rin ang mga ganitong “bakit” sa Lord?
“Lord, bakit ko po nararanasan ito?”
“Lord, bakit po ako nasasaktan ng ganito?”
“Lord, bakit po nangyari sa akin ang mga bagay na ito?”
“Lord, bakit po iniiwan ako ng mga taong mahal ko?”
“Lord, sabi po Ninyo mahal N’yo ako pero bakit po hinahayaan Ninyo na pagdaanan ko ito?
“Lord, bakit ang unfair ng mundo?”
“Lord, bakit kahit anong gawin ko iniiwan pa rin ako?”
Ilan lamang iyan sa mga minsang naging tanong ko na rin sa Panginoon. Darating kasi talaga tayo sa punto na kahit sobrang tibay ng faith and trust mo sa Lord, hindi mo maiiwasan na magtaka o mag-isip kung bakit ipinararanas Niya sa atin ang mga bagay na hindi na kayang abutin ng pang-unawa natin. Kaya kung minsan napapatanong na tayo sa Kanya ng ‘Lord, bakit po?’
Unfair ba si Lord?
Mahal ka ba Niya talaga?
Nakikita ba talaga Niya ang pinagdaraanan mo?
Kapatid, kung nasa punto ka na ngayon na may ‘konting doubt’ ka na sa puso mo kung talaga bang mahal ka ng Panginoon, ito lang ang maisasagot ko sa iyoβ
YES, MAHAL KA NG DIYOS AT NAKIKITA NIYA’NG LAHAT ANG PINAGDARAANAN MO. Unfair ba Siya?β well, definitely not and He will never be unfair to you.
Let me share you this.
Growing up, sobrang confused and curious ako sa mga nangyayari sa buhay ko. Kung bibilangin siguro, baka mas lamang pa ang beses na nag-breakdown ako kesa naging masaya ako sa buhay ko. Dahil bata palang, naging komplikado at magulo na ang mundong kinagisnan ko. Thank God nalang talaga dahil bata palang ako, nakilala ko na Siya. (Hello sa mga laking-DVBS dyan!) Though, syempre tao lang tayo, madalas talaga nakararanas ako na umiyak tuwing gabi asking the Lord why is He allowing me to experience such pain, heartbreaks, struggles, family problems that are too hard to handle. Ang hirap magtanong ah, lalo na kung hindi mo naririnig ang sagot ng pinagtatanungan mo. Kaya ang ginagawa ko nalang after ko mag-breakdown, I just open the Bible, meditate His Word at mag-pray (believe me, iba ‘yong relief kapag nakapagbasa ka ng Word Niya at nag-pray habang umiiyak sa Kanya). β€
Sa kabila ng lahat lahat ng pain na naranasan ko, you know what makes me stand up again and again? Ito ‘yong thought na, the reason why God is allowing us to experience such heartbreak, pain, struggle in a very challenging, unfathomable and painful way (‘yong tipong masakit na pero may mas isasakit pa pala π) because the LORD HAS SOMETHING THAT HE WANTS US TO LEARN FROM THAT SITUATION. May gusto Siyang ituro sa paraang hindi natin maintindihan pero kailangan nating pagdaanan para rin sa ikalalago natinβ maybe for us to grow more, mature more, and trust in Him more.
Iyan palagi ‘yong iniisip ko kada may masakit akong pinadaraanan, and yes, sa tulong nito nakakabangon ako ulit at nagagawa kong i-convert into something positive ang negative situation na nangyari.
Kapag ganito palagi ang magiging thinking natin whenever we encounter unexpected pain, heartbreaks, troubles and circumstances in different areas of our livesβ¦ siguro masaktan man tayo, hindi na ganoon kasakit kasi alam natin na si Lord ang nag-allow nitoβand He didn’t just allowed this para saktan lang tayo kundi para may matutunan tayo at mas mag-grow pa bilang mga Kristiyano. Kung ano mang lesson ito, sana palagi tayong handang matuto. π
Remember the refining process of a gold, it must be heated many times to remove its impurities and achieve its greatest value and beauty.
Just like gold, we must also undergo the refining process where God will let us experience heat and expose our weaknesses, our faults, our struggles and our impurities. Yes, heat is hot and uncomfortable, but if we submit to the heat, we are day by day transformed into his likeness.
Kung kinakailangan na dumaan tayo sa matinding apoy o pagsubok sa buhay natin para mas makita ang value o worth natin at mas maging karapat-dapat tayo sa harapan ng Panginoon, then so be it.
I’m praying that soon, those “Lord, whyβ” questions will become “Lord, teach me what You want me to learn from this“.
Whatever your current situation right now, sa ano mang area o phase ng buhay mo iyan, I hope and pray that the Lord will always guide you in your ways and give you the wisdom you need whenever you’re about to make tough decisions. Always have a willing heart to learn from God’s lesson. ππ₯°β€



